Ngumiti na muli

Ngumiti na muli

Mumunting salita mula sa aking masayang isip

June 16, 2018

Kasalukuyang nakahiga na sa kama.

Pagod man ang katawan ngunit kakaiba ang nadarama.

Iniisip ang bawat nangyayari kung tama ba?

Pero nananaig talaga ang pagiging masaya.

Ilang buwan na ba ang lumipas.

Mahigit isang buwan na pala simula ng lumisan.

Sa ibang bansa na puno ng kaguluhan.

Isipan at puso na pinahirapan.

Sa paglisan ko sa lugar na iyon

Pilit ko na rin ibinaon.

Mga alaala sa kahapon

Na bumigo sakin at nagtapon.

Sa ngayon na kahit wala akong malaking pera.

Nagtitiwala ako sa ating may likha

Kunting awa nya lamang sa akin

Tiyak ako makakagawa.

Ng paraang marangal at di kakutya kutya.

Muli ako ay tumingin sa paligid kong dating maliwanag ngunit madilim.

Napangiti kahit akoy nag iisa . Dama ko na naman na meron sa akin ay nag aalala.

Nais ko ipaabot sa aking mga kaibigan

Salamat sa mga dumamay at nagbigay ng pag papaalala.

makaalpas sa hamon ng panahon at magpatuloy sa mga paglalakbay.

Sa aking pag dilat sa kinabukasan naniniwala ako sa magandang kinabukasan.

Lilipas din ang dilim at liliwanag ang kapaligiran

Lalo na me pagmamahalan na ikay ay maasahan.

Kaya sa muling pagkikita.

“Ngingiti na Muli”

at di na mapapawi.

Trust our Lord and be faithful.

Dedicated to Ms. AMP

Alright reserved 2018

Advertisements

Count Down of My way Home

Hi Guys

Good day

Hope everyone is fine and in good condition.

Currently katatapos ko lang sa ginagawa ko dito sa Office.

Overtime pero ok lang kasi wala din namang pupuntaham

Im a little excited.

Next Week Ill be in the Philippines na.

Thinking about what will happen, A little nervous and a little worried because i got many plans in my head that i hope i can do it all.

So ito ako now while resting for a while bago dumating ang aming service going back to accomodation i want to write something useful.

Sa mga kagaya ko na OFW sana natuto na rin kayo na maging masinop.

Sa gaya ko na nagkaroon ng malaking utang dahil sa hindi inaasahan pagkakataon

Let me give you a hint on what i did to lessen and achieve my first resolution this year.

Ito ay yung makapag bayad ng aking mga credit debt.

So the question is? Are you in debt nga ba?

Well i believe di ka nag iisa, Gaya ko marami sa atin ang nagkamali sa mga desisyon and ang pagsisisihan ay di makakatulong para matapos yung mga utang natin.

We have to decide.

Paano nga ba masisimulan ang pagbabayad ng utang.

First step was to Stop . Big Stop

Tigilan mo na mangutang .

Try to look ways kung paano matitigil ang pangungutang mo.

Pano?? If their was a opportunity to create a second income o pag kakakitaan do it. Or kapag me opportunity na maganda grab it. Clarify ko lang ha think carefully din kung ano maitutulong sa iyo ng nakikita mong opportunity.

Pag aralan mabuti para di ka lang basta papasok sa isang sitwasyon na di mo alam kung ano ang meron. Sa panahon ngayon marami ang nag aalok at nakaka enganyo na opportunity kaya lang bandang huli ikaw pa rin ang talo dahil di mo napag aralan at basta basta ka na lang pumasok.

Matitigil ka sa pangungutang kung magiging sapat ang income mo.

Second Step was to List down all of your debt.

Gawa ka ng listahan ng mga utang mo.

Kung medyo hindi ka magaling sa computer , well pwede ka naman gumawa sa notebook. Lista mo mga utang mo, Lagyan mo ng Pangalan, Petsa kailan mo nakuha at ang target mo na panahon at kung ilang beses mo sya matatapos. maglagay ka ng date na dapat dun mo sya matatapos. Ika nga target mo or plan.

Sa mga marunong sa computer well madali lang ito guys sa Excel Madali mo lang macocompute at pwede mo pang lagyan ng formula, para pag nilagay mo yung amount ng bayad mo autmatic sya na mababawas makikita mo yung natitira pa na amount na kailangan mo bayaran.

Pagkatapos mo makagawa ng List ng mga utang mo ito na ang pangatlong tips ko naman.

Third Step was to pay off yung utang mo na may pinakamalaking interest.

Sabi nga nila mas malaki yung utang na nawala sayo mas makakahinga ka. O kaya pag yung mahirap na bayarin ang inuna mo pag natapos ito yug maliliit na utang ay madali na lang matapos, kasi nainspired ka na dahil nakaya mo nga na bayaran yung malaki so mas madali na lang yung maliit na bayarin.

Fourth Step

Ito actually yung pinakamasakit sakin eh. Credit Card Bills

Dito ako nahirapan talaga Di mo mapapansin yung palaki ng palaki yung bills mo lalo na kapag napabayaan mo sya. Mahirap magbayad kapag alam mong hindi mo naman napakinabangan kaya. Lesson is kung meron lang din Cash use it and keep your credit at home. Pwede naman gamitin be wise nga lang talaga. Ask yourself if needed ba talaga yung bagay na bibilhin mo.

Fifth Step

Kapag may mga incentive ka. I know sasabihin mo sa sarili mo na para sa akin na ito. Pero kapag me utang ka be wise to use it to pay your debt kasi. Para sa iyo rin naman yun. Ano ba mas gusto mo Free of Debt or Ginastos mo nga sya pero after naman na magalaw mo na yung pera mo at walang napuntahan eh kakamot kamot ka ng ulo hehehe.

Last Step that i can share was to Change your Habit.

Ito yung isang bagay na naintindihan ko rin for the past year. Minsan naiisip natin napag huhuli na tayo sa mga kaibigan natin at di maganda yun sa pakiramdam. Pero di natin namamalayan nag exceed na tayo sa budget natin. Be realistic and be practical.

Marami tayong gusto sa buhay, Sasabihin pa nga natin sa sarili natin eh kailangan kasi.

Ang tanong kailangan nga ba? o para lang may maipakita tayo sa mga kaibigan natin.

Kaya tayo nababaon sa utang dahil sa attitude na ito. If only we realize what is more important dun natin makikita yung mga kailangan lang natin bilhin.

Ok ito last na talaga ito.

Kapag natapos na natin mabayaran yung mga utang natin.

And we know na me extra naman na ikaw na nakatabi . Thats the time na you can treat your self and family members.

It will be a happy moment kapag na achieve mo yung goal mo. And for the future be consistent na and avoid getting to any debt.

I hope na nakatulong itong mini blog ko.

Thanks for reading

Paki share na lang po with your friends, tropa and love ones.

If your looking for a legit and true business online please check out this link below

http://bit.ly/2FJiXDW

This is your friend, Kabarkada and Ka tropa

Diny Boy

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bakit mahirap Mag Ipon

Good Morning

Hi guys a quick blog lang before i start my work.

Madami sa atin ito yung tanong???

Bakit ang hirap mag ipon???

Even me promised nung una wala talagang ipon, buti na lang talaga eh natuto na ako.

Ano ba mga sinasabi nila

Mahirap mag ipon kasi..

Me mga bisyo!!!!

Di makontrol ang sarili

Bili Dito Bili Dun.

Party Party.

Byahe dito Byahe dun

Pag ganito talaga….  mali yung mindset.

Mahirap Mag ipon

So What you need to do.

Sabi ni Mader

Need natin maging masinop.

How???

Ito yun

Lets start by doing it little by little.

OO unti unti lang guys

Lahat ng marami nag simula sa unti

Kaya Start it now and have a discipline in your self

Set goal guys and by the time na nagsimula ka na makikita mo rin uy tama sya .

Kaya ko pala. Yan na ang masasabi mo later on.

Ayan so hanggang dito na muna okhay.

See yah on my next blog.

By the way check out my free ebooks libre lang to guys so grab

Just click the link http://bit.ly/FreeEbookBeyourOwnBoss

 

Md

 

 

 

 

 

Wala na ba talaga?

Wala na ba talaga?

Minsan nag iisip ako.

Cge oo na madalas na nag iisip ako.

Ang alam ko kasi tama ako.

Pero sabi mo mali ko.

Sabi mo kasalanan mo naman.

Pero bakit kaya ganun tila ako ang may kasalanan.

Habang akoy abala sa pag aasikaso ng ating ikabubuhay.

Tingin mo pala pangarap ko lang ang inaakyatan.

Di mo nakita na sa pagtungtung ko sa taas ng entablado.

Karangalan ay nakapangalan sa inyo

Na yung bawat tagumpay ko ay kayo yung inspirasyon ko.

Yung bawat natatapos ko at nagagawa nakaalay para sa inyo.

Sa sarili di matapos ang katanungan.

Totoo kaya na ako ang nagkulang.

Masaya naman tayo parang kailan lang.

Bat sa isang kisap mata ikaw ay lumisan.

Iniwan akong luhaan ng di nauunawaan

Iyong dahilan at kataksilan.

Ngayong taon na ang nakalipas.

Sabi ng isip koy ikaw ay nakatakas

Ngunit sa puso patuloy na umaasa

Nagtatanong hanggang kailan

nagsasabing

Wala na ba talaga ang pag iibigan.???

Dahil kung wala na sapat na cguro ang dahilan

Na wag na umasa pa oh hirang

Sa pag ibig na pinagako mo at kinalimutan

Na hanggang kamatayan magsasama na walang hangganan.

Dear Readers

Thanks for those who read this.

Sometimes life was really tough but whatever happen. Don’t get your attention and focus ruin.

Continue to Dream big and make your day always positive.

Godbless

md

Isang Halik

Linggo ng tanghali ng ikaw ay dumating.

Bagong gising dali daling napatingin

Sa teleponong panay ang ring

Bangon na tol ang sabi ng nasa kabilang linya.

Pakisalubong ang ating bagong kasama.

Ayaw pa man bumangon.

Pinilit ko makarating

Sa banyo at tuluyang ng nagising

Mabigat man mata naglalakad na walang paki

Nung una ka na nakita.

Biglang tumuwid lakad ko at paningin

Di napigilang akoy mapamangha

Sayong mga mata na tila nakangiti

Kumukuti kutitap kahit na tanghali

At ng tumingin akoy natulala, kabog sa dibdib tila gusto kumawala.

Ikaw na ay niyaya sa iyong bgong tirahan.

kahit mabigat ang bagahe mo ay di alintana.

Nagrereklamo man tuloy pa rin kinarga mga dala mo. hanggang sa hantungan.

Nagsimula ka ng magkwento at akoy namangha.

Lumipas ang oras na napakasaya tila ba ikaw ay kilalang kilala na.

Lalo tumibok ang puso ko

bawat galaw mo tila naaakit ako.

Sa ngiti mo lamang akoy buo na sinamahan pa ng kindat sabay ang tawa.

Maghahating gabi na at tila walang katapusan kwela hatid nitong dalaga na sa paningin koy lalong gumanda.

Hanggang sa ikay napasandal na sa balikat ko at nagtama ating mga mata.

Sa totoo lang akoy nahihilo pero sa higpit ng hawak mo

Akoy nagigising talaga.

Nagulat na lamang ng hilahin mo sadya

Naglapat mga labi at akoy bumigay na.

Pagkatapos ng halik ikay pumikit na sabay higa sa balikat kong masayang masaya.

Ako din ay pumikit na at sadyang nawala na ang ulirat saking mga mata.

Saking muling pagdilat Isang linggo na ang nakalipas.

Pilit ka ng hinanap ngunit tila ikay iba na.

Ni wala na ang ngiti, Pati sulyap ay kay ilap.

Isa nga lang ba itong panaginip o sadyang akoy napaglaruan.

Ng isang dalagang aking nahagkan.

Storya Mula sa malikot kung isipan😊😊

Md

Mag Mahal

Madali nga lang ba mag mahal?

Maraming usapin pag dating sa pag mamahal

Marami din uri ng pag mamahal.

Sa panahon ngayon mahirap na magtiwala sa kahit sinong tao.

Masasaktan ka lang pag ikaw ay nagkamali

Ngunit sa pagmamahal walang mali

Bakit nga kaya ganun.

Minsan alam natin bawal pero tuloy pa rin.

Minsan naman ang minamahal iba ang mahal.

Parang kanta nga lang kung minsan

Tila nang iinis sa mga ilan na di pa nakakaranas nito.

Minsan din alam na nating me mali ngunit patuloy pa rin sa nararamdaman.

Minsan nga pagod na pero cge pa rin.

Pero ganito tlaga siguro ang pag mamahal

sabi nga tuloy lng pagkat me umaga naman pag tapos ng gabi.

Mag mahal

Maraming mensahe

Maraming ibig sabihin

Maswerte ang iba

Malas ang karamihan

pero pag nahanap mo

Mapalad ka at ngingiti.

Mag mahal ay masarap

Mag mahal ay masaya

Magmahal ay walang katulad lalo na pag natagpuan mo na ang nararapat.

Once in a bluemoon nga lang sya at tila bulalakaw na kailangang abangan

at kapag nakita mo na.

Wag mo ng palalampasin pa.

SA mga nag Mamahal

Sa mga Minamahal

Sa Mamahalin

Salamat

Wala ng Sana.

Gawin nyo nawa ang nararapat.

Upang di mawala ang pagMamahal.

Salamat sa aking mga minamahal.

Sa mga Nagmamahal

at Mamahalin.

Patawad sa mga di nabahagian

Wag sana magdamdam.

At wag mawalan ng pag asa na dadating din ang karapat dapat na Mag mamahal.

Dahil Ang Magmahal ay di hinahanap

Kusa itong dumarating ng walang sapilitan.

at ito ay nararamdaman.

hanggang dito na muna

mula sa munting tinig ny aking isipan

dinyboy

Inspired by J&D2018

Series no. 21032018418

(c) all right reserved

Ano nga ba ang Priority natin?

Ano nga ba ang priority natin sa buhay?

Did you notice anong petsa na ngayon March na, mag April na naman.

Ang bilis ng panahon diba?

Napansin mo rin ba?

OO o hindi..

Malamang kasi busy ka rin .

Busy sa mga accounts mo sa social media.

Dahil dito sa Digital word natin , Dalawa na ang mundong ating ginagalawan.

Kung di magaling sa totoong buhay, sa Social media nagagawa natin makilala tayo ng maraming tao.

Pero minsan naisip mo na ba?

Ano nga ba ang priorities mo ngayon.
Ako ito ang sakin.

1. God
2. Myself
3. My Family
4. World Peace hahaha (joke) Establish a business
5. Fun (Bucket list)

Why I choose this?

Kasi dapat naka align talaga yung mga priorities natin.
Kasi kung hindi, mauubos ang oras natin sa mundong ito na wala tayo natatapos o na aachieve.

Ikaw ba kaibigan .. Ano ba priorities mo?
Why I put God in the first place.

Mahirap pero alam nyo gusto ko kasi mapunta sa langit. Kaya sana ganun din kayo.

Pray Believe and Obey Gods Wisdom.

Wag lang hingi ng hingi dapat ipakita din natin na mahal din natin sya.

Ikaw ba ? ano ba sya sa iyo? Maiisip mo lang ba sya pag kailangan mo sya o lagi mo syang dapat unahin.

Kahit di natin sya nakikita magtiwala tayo sa kanya.
All things are possible with God’s Grace.

Gods Know what we need , dapat ipakita lang natin sa kanya that we deserve those gifts that he will give.

Be patience also , wag magmadali . Dahil di ba nga ang bilis na ng panahon .

Dapat ienjoy natin ang bawat pagkakataon at buhay na meron tayo.

Now if palagi ka sa mundo ng internet use it also sa may mga pakinabang na bagay.

Like sharing and givig information para makatulong.

Ok so hanggang dito na muna.

To your Success
Diny

Credit to Ms. May Alviz (author of Why Love Hurts)

Focus tayo

Focus Tayo

Habang nag papahinga ako galing sa trabaho, heto na naman ako sa aking munting kwarto.

Maganda na siguro ito na habang nag papahinga ay may nagagawang kapakipakinabang.

Dahil sa kagustuhan kong makawala sa kahirapan, ito at sumusubok ako ng mga pedeng aralin.

Upang lalo maayos ang aking landas na noon ay naligaw pagkat kulang ang kaalaman tungkol sa pag hawak ng pera.

Ngayong araw ang natutunan ko naman ay hango sa isang milyonaryo na marami na rin natulungan at naturuan.

Hayaan nyo ako ikwento yung mga nabasa at naintindihan ko bilang pagtulong din sa inyo.
Tungkol ito kay Warren Buffet.

Isa siya sa pinakamayamang tao sa mundo.

Kung meron tayong dapat iniidolo yun ay isang tao na dapat ay nag tuturo ng mga bagay na pakipakinabang.

Nakuha nya ang titulo nya bilang billionaryo sa kanyang sariling pag sisikap.

Nung binasa ko yung sinasabi nya bigla ako huminto.

Napaisip at nagtanong sa sarili ko.

Yung tips nya kasi na nabasa ko ay dapat daw “Maging Magaling ka sa isang talento o bagay para umunlad ka at dun mo lng ifocus ang atensyon mo”

Ha.? Sabi ko sa sarili ko.

Eh di ba dapat nga magaling ka dahil marami kang alam?

Dun ako napaisip.

Isa kasi akong multi tasker.

Habang me ginagawa kaya kong isabay yung ibang bagay.

Or kahit sa mga gusto ko.Lahat ata gusto ko gawin.

Sabi ko sa sarili ko ginagawa ko kasi yun para ba kahit anong trabaho pwede kong gawin at kumita.

Pero ngayong nabasa ko yung sabi ni Lodi Warren Buffet.

Huminto muna ako at nag analyze.

Siguro nga tama sya kasi sa sobrang dami nating alam dahil di ka naman focus sa isang talent mo hindi iyon nakakatulong.

Kumbaga kung marami ka nga talent pero hati hati naman yung porsyento hindi ka pa rin magiging successful.

Dun pumasok yung quotes na “Jack of all Trades Master of none”

Ano nga ba yung gusto nya ipabatid sa akin o sa mga nag babasa ng quotes nya???

Sabi nya kung ang talent mo at hilig ay pinag sama mas makakagawa ka ng magandang bagay.

Hinalimbawa nya ang pag guhit ng mga pintor.
Kapag mahal mo ang ginagawa mo at sinasapuso mo ito makakabuo ka ng isang obra maestra.

Ganun din daw sa trabaho. Maging pokus ka lamang at magagawa mo rin ng tama.

Isa pang halimbawa ay ang pagsusulat, Syempre kailangan magaling ka magsulat.

Kailangang malawak ang kaisipan mo sa mga bagay na nais mong sabihin.

Kasunod na nito kung paano mo sya maibebenta at mapapakilala sa mga tao.

Isa pa sa nakita ko sa kanya na nais kong gayahin ay ang pagsisikap nya matuto, at pagiging risk taker nya.

Sabi nya kasi “Risk comes from not Knowing what you’re doing”

Tama di ba magiging delikado lang ang isang bagay o gagawin mo kapag di mo talaga alam ang ginagawa mo.

Halimbawa mag maneho ka ng sasakyan na di ka naman marunong.

Aksidente talaga ang aabutin mo.

Nasa atin talaga yung way para makuha yung nais natin.

Marami pa talaga tayong dapat pag aralan lalo na pag bago tayo sa field na ginagalawan natin.
Wag tayo matatakot sumubok kung saan talaga yung best natin.

Ngayon ito namang sasabihin ko ay ang kasalukuyang kong ginagawa.

Alam naman ng mga kaibigan ko kung ano talaga ako, paano ako makisama at paano ko itrato ang mga taong nasa paligid ko.

Pero still im trying to improve my character.

Paano?????

by learning how my reactions affects the people na nakapaligid sa akin.

Giving them ideas that I know can help them avoid yung mga maling decision na nagawa ko.

Kumbaga nais ko makatulong na maging maayos ang pamumuhay nila.

I wanted to dedicate some of my time to become a mentor or coach to teach good values and financial literature.

Pangalawa I wanted to focus on this para mas matugunan ko yung mga kailangan kong matutunan para kapag nag share ako alam ko yung mga sinasabi ko at siguradong epektibo yung result ng mga mapapayo ko.

And lastly im looking for the mean not the excuses.

Ano yung ibig kong sabihin?

Marami kasi sa ating ngayong kababayan , panay reklamo sa buhay nila kesyo ganito kesyo ganyan.

Minsan nga habang nanonood ako sa balita at me nakikitang mga nagrarally napapailing na lang ako.

Sa totoo lang kasi people shout for a change.
Ika nga gusto nila ng pag babago.

Pero di nila narerealize that changes should be start among themselves.

Sa atin dapat nagsisimula iyon.

Tama ba? It was my opinion lang naman and I still respect your own thinking about that.

Wag natin iaasa sa gobyerno natin yung pag unlad ng pamumuhay natin.

Dapat tumayo tayo sa sarili nating mga paa.

Let the Government do their Job and let’s do our best to contribute in the societies.

Paano ulit?? by teaching them lesson and giving them advice on how to be literate.

At the end of the day it is us who will make decision in what will happen on our next day.
Hope you get my point kapatid.

I think hanggang dito na lang muna.

To your Success and lifestyle change
Diny Boy

Soon to be Coach

It would be my pleasure if you will message, comments and suggest to make my blog more productive.

Follow me in my facebook page

https://www.facebook.com/dinycledera

or email me at

http://dinycledera.pinoytrepreneur@gmail.com

“Price is what you pay, Value is what you get”

Ang buhay na gusto mo..

Good day kaibigan.

Narito ako muli habang nag papahinga ay nag iisip sa mga bagay na nakikita ko at inaalala yung mga bagay na nagawa ko.

Ako nga pala si Diny isang OFW dito sa Africa.
Ilang taon na rin ako nag tratrabaho at ngayon nasa ibang bansa naman ako.

Sabi nila masipag daw ako, sabi nila magaling daw ako.

Halos nga sa lahat ng bagay nangunguna ako.
Hindi sa binubuhat ko ang sariling kong bangko.
Me dahilan kasi ako kaya talagang ginagawa ko husayan ang trabaho ko.

Nais ko lang ishare ngayon sa inyo kung ano yung napansin ko sa nakalipas na panahon sa buhay ko.

Pinanganak ako sa isang simpleng pamilya lamang.

Pinagsikapan ng magulang ko na makatapos ng pag aaral hanggang high school.

Pinilit din makatuntun ng pag aaral sa kolehiyo at nakatapos din ng dalawang taong kurso ng HRM.

Mula noon natanim na sa isip ko na kailangan ko mag sumikap sa trabaho para makatulong sa aking pamilya.

Nagawa ko naman siya kahit papaano, dumating ang panahon na nakakilala ng isang magandang dalaga at nangarap na magkaroon ng isang pamilya.

Lumipas ang panahon at ganun na nga ang nangyari. Kinasal ako at nagkaroon ng mga anak.

Masaya na kami. Pareho kaming may trabaho at kahit papaano nakakaraos.

Di naming namalayan sa paglipas ng panahon lumalaki na ang aming pamilya .

Nag kakaroon na ng gastos ang bawat anak namin.

Nagsimula na ako mag alala, bilang isang ama ginawa ko ang makakaya ko upang mataguyod pa ng mas maayos ang aking pamilya.

Ginalingan ko pa sa aking trabaho para mapromote at lumaki ang sahod.

Nagsimula na ako hatiin ang katawan ko para makakuha pa ng extrang trabaho.

Ganun din ang aking may bahay ay nagsumikap na mapromote sa trabaho para makatulong sa aming pamilya.

Sa paglaki ng gastusin , bukod pa sa pag taas ng mga bilihin nadadagdagan din ang aming mga obligasyon.

Naisip ko na di sapat ang aking pinag aralan kaya bukod sa double, ginawa ko pang triple ang aking mga kaalaman.

Nag aral muli ako. Nagawa ko na naman..
Ngunit nung lumaki ang sahod ko , dumadating pa rin ang oras na hindi naming alam san napupunta ang aming pinag hirapan dahil sa mga gastusin at pangangailangan.

Nagsimula ng mag aral ang mga bata, me baby pa na pinapagatas.

Dumating ako sa point na sobrang pagod at stress na rin talaga ako.

Naging routine ko na maaga gumising ng wala pang araw dahil papasok sa trabaho at uuwi ng gabi.

Paulit ulit.. Time in Time out.

Papasok… Uuwi..

Kadalasan pa nga kahit sabado at lingo ginagawan ko pa ng paraan para kumita.

Nag seset ako ng event or rumaraket bilang photographer pandagdag sa gastos naming pamilya.

Dito ko narealize nung nabasa ko yung book ni Robert Kiyosaki about sa Rat race.
Naisip ko totoo nga.

Isa ako sa mga biktima ng kulang ang kaalamang financial.

Hindi kami naging handa sa future naming.
Naging part ako ng isang gang. Yung sige sige at Bahala na Gang..

Dun na kami nagsimula ng mahal ko na mag karoon ng gap.

Dahil sa sobra kong busy sa trabaho , Na trap ako sa obligasyon at nawalan na ng time para sa kanila.

Sad life di ba?

Pero dumaan man ako sa sitwasyon na yan.

I realize now, kung ano yung dapat kung gawin.

Sabi sa book ni Robert Kiyosaki there still a way how to get out of the Rat Race.

We just need to know to change our perspective.
Ayoko na maulit sa mga anak ko yung nangyari sakin.

I won’t just tell my kids to study hard I need to teach them how to appreciate and learn how to save for their future.

Prioritize investing and generate more income habang bata pa.

Sa ngayon while sending money for my kids.
Nilalaan ko talaga muna ang pera ko na mawala ang lahat ng liabilities na nagpapabigat sa akin.

What are those liabilities??

Credit card bills, phone bills, loans, those not on budget and can’t afford things na binili mo pero di mo naman napapakinabangan. That’s the liabilities.

I also started to invest in an online tutorial on how to earn money while spending your time in the internet surfing.

Maging produktibo gamit ang makabagong teknolohiya na meron tayo.

Meron pa lang ganun??. Yes meron.

Instead of wasting your time sa mga pagbabasa ng mga hugot lines and drama ng mga tao sa internet.

Why not learn to use your time para matuto ka at kumita gamit ang cp or laptop mo.

Meron namang mga libre lang at di mo kailangang mag bayad kaagad.

Ngayon pag nalaman mo at naging interesado ka saka ka sumali.

Yung investment na ibabayad mo ay tingin kong worth kasi di ba sa school nga nag tutuition fee ka para matuto.

Ganoon din yun pag nais mong me matutunan pa, investing to grow your knowledge.

Check my fb page for info.

I got free courses dun that you can use and help you to be inspired in life.

Pili ka lang jan sa baba or message ka sakin para mabulong ko sayo paano.

https://www.facebook.com/TayoyMagnegosyo or https://www.facebook.com/DinyboyCledera

Mahalaga na sa ngayon dapat alam mo ang magiging future mo.

That Is why I quit bilang member ng Bahala na Gang and Sige Sige.

Kahit uso rin ngayon yung Hayaan mo sila, gusto kong ishare sa inyo to para makaiwas na kayo at wag na dumaan pa sa pinag daanan ko.

Know knowledge in how to get out of the Rat Race.

Sa totoo lang di ba..

Sino ba ang taong gusto mag hirap at mawalay sa pamilya.

Lahat tayo ay gusto ng maayos na pamumuhay, know your Whys and I believe together with what you will learn from following me will help you also to find
Ang buhay na gusto mo.

This is Diny Cledera and this is my blog for today.
Godbless

Nabigong Pangarap

Nabigong Pangarap

Marahan kong pinapahinga ang aking kaisipan upang mabuksan sa mga bagong kabanata ng aking buhay.

Habang hindi selenyador ng motor ang hawak ko, ito at nag iisip ako ng mga mapakikinabagan.

Sa aking panonood ng mga dokomentaryo, isa na rito ang mga dokomentaryo ni Jay Taruc ng I witness at Motorcycle Diary.

Di ko maiwasan mapaisip.
Mapaisip na maraming tao pala talaga ang nakakaranas ng mga kahirapan.

Nais ko lamang ibahagi ang ilan saking mga napansin na medyo nakakabahala.

Tungkol ang mga ito sa ating kasaysayang nalimutan, tungkol sa kahirapan ng pamumuhay at gyera na naganap sa ating mga kababayan sa Mindanao.

Sa ngayon tila ba napapaisip ako sa sitwasyon ko.

Napapasabi na lang ako na maswerte pa rin , pagkat hindi ko naranasan ang mga kahirapan na aking napanood.

Minsan kumukurot sa aking puso na makita ang ilang sa ating mga kapatid na nahihirapan sa kanilang kalagayan, kulang sa maraming bagay.
Kumbaga salat talaga sa kahirapan.

Isang halimbawa ng aking napanood ay tungkol sa mga mag sasaka na ilang buwan nag trabaho ngunit pag uwi sa kanilang lugar ay wala rin naipon at nagkaroon pa ng utang.

Mga nawalan ng tahanan sa gyera sa Marawi.

Sa tindi ng labanan duon ay kinailangan nilang lisanin ang kanilang lugar upang wag madamay sa bakbakan ng mga militar at armadong bandido.

At ang huli ay mga taong nakalimutan na lang sa paglipas ng panahon.

Sabi ko maswerte din tayong mga may pinag aralan pagkat marunong tayong bumasa at sumulat.

Malaking bagay na dapat din ituro sa ating mga mahal sa buhay o pagsikapan na makamit ng ating mga anak.

Napanood ko rin ang isang bilanggo na hindi marunong man lamang paano nya isulat ang kaniyang pangalan.

Mabuti na lamang at may tao pa rin na handa silang tulungan.

Ako kaya ano kaya ang magagawa ko para sa kanila.

Bilanggo man sila na maituturing makikita mo sa kanilang mga mata at kilos na dala na lamang ng kamangmangan kaya sila nabilanggo at nakagawa ng mga bagay na ayaw nila.

Kamangmangan na nagdudulot sa marami ng kahirapan

Isa na rin siguro sa dahilan yun kaya sila nakagawa ng masama dahil di nila alam kung saan sila kukuha ng paghanap buhay.

Kung sa simula lamang sana ay naging maayos ang kanilang mga pamumuhay malamang hindi nila maiisip na gumawa ng masama.

Except dito sa sinasabi ko yung mga drug addict at mga rapist, sila kasi masasabi kong walang puso. Kaya dapat lang pagsisihan nila mga ginawa nila.

Bawat tao ay may karapatan. Kaya lang tila ba mailap sa iba ang karapatan na ito na ating pinaglalaban .

Noong panahon nga na mismong tayong mga Pilipino ay sinakop ng mga dayuhan , nawala ang ating karapatan.

Kaya siguro hanggang ngayon ay dala pa rin natin ang ganun senaryo ng buhay natin.
Alipin tayo ng mga bagay na bigay ng mga dayuhan.

Sa pag papatuloy ng aking mga naiisip
Habang tayo ay tumatanda hindi natin napapansin ang mga maliliit na bagay at detalye ng ating buhay.

Abala kasi tayo sa pag habol ng mga nais nating makamit .

Hindi ko sinasabi na masama ang ating hangarin.

Tila nga lang ba hindi na natin napapahalagahan ang mga nararapat na pagyamanin.

Sa ngayon maswerte pa rin ako bagamat hindi mayaman ay may trabaho. Kahit papaano ay nasusuportahan ang pamilya ko.

Nag papasalamat sa may Kapal sa pag bibigay ng kalakasan at magpatuloy sa hamon ng buhay na ito.

Nais ko parating sa mga kabataan na hindi pa nakikita ang kahalagahan ng kanilang pag aaral.

Sana Makita nyo na malaking bagay ang mawawala sa inyo kapag hindi nyo inayos ang pinag hihirapan ng mga magulang.

Dito sa pilipinas maswerte na ang mga bata kapag napag aral.

Sa hirap ng pamumuhay ngayon at sa mahal ng mga bilihin tingin nyo san kumukuha ng pang gastos ang mga magulang.

Nariyan ang mga kagaya ko na kailangan pa pumunta rito sa malayong lugar matustusan lamang ang mga pangangailangan ng pamilya.
Sa mga kabataan makikita nyo lamang na mali kayo kapag nasa isang sitwasyon na kayo na wala ng matatakbuhan.

Literal na hindi ko alam paano sasabihin sa inyo at hikayatin kayong ayusin ang buhay nyo.

Di ko man hinihiling pero sigurado ako na dadating kayo sa punto na makikita nyo at mararanasan ang sinasabi ko.

Pahalagahan nyo sana ang lahat ng meron kayo.
Ito lamang ang maiiwan ko sa inyo. Alam kong meron din makakabasa nito.

Magpatuloy sa magandang pangarap at wag malilihis ng landas.

Hangad ko ang inyong pag unlad sa hinaharap.
At sana wag na kayo maging isa sa mga dokumentaryo ng mga nabigong pangarap.

Ito po si Diny Cledera at ito ang parte ng Buhay ko.

Samahan nyo ako sa mga susunod kong blog at paglalakbay Bilang RiderAko